Martes, Disyembre 13, 2016

Bonding and Competiton Time


Katulad ng ibang organisasyon, ang Singles for Christ ay nagkakaroon din ng mga kumpetisyon ng iba't ibang chapter sa isang province or city.  Ito ay tinatawag na Singleolympics, kung saan nagtitipon tipon ang iba't ibang chapter katulad ng probinsya ng Bataan na isinasagawa ang activity na iyon tuwing ika -1 ng mayo, holiday kaya inaasahan na madami ang makakadalo. Mayroon din tinatanghal na overall champion na makukuha ng isang chapter base sa dami ng maipapanalong event. Ilan sa mga sport event ay basketball, volleyball, badminton at table tennis. Sa pamamagitan nito, nailalabas ng bawat isa ang kanilang skills sa sport at the same time, yung camaraderie ng group ay mas lumalim pa which is isa sa mga aim ng activity. Napakahalaga ng unity ng grupo sa community na ito kaya ang mga ganitong activity ay isa sa mga pinakamahalagang event.



Pagkatapos ng mga sport event, di din mawawala ang labanan ng mga pagwapuhan at pagandahan na pambato ng kani kanilang chapter. Sa pagrampa sa harap, pagpapakita ng kani kanilang talent at pagalingan sa pagsagot ang basehan upang makamit ang title na "Mr. & Ms. Singleolympics".  At dahil isa itong Kristiyanong samahan, nagsisimula at nagtatapos ito sa praise and worship. Sa huli, ang pagkakaibigan at pagsasamahan pa din ang pinakamahalaga. Isa din itong pagkakataon upang makilala ang ibang members mula sa ibang chapter. Manalo, matalo magkakapatid ang lahat, purong kasiyahan lang at walang halong sakitan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento