
Nito lamang nakaraang Oktubre 8-10, nagsagawa ng pagtitipon ang SFC Central Luzon sa Subic Bay, Zambales. Ginanap ito sa Subic Convention Center kung saan dumagsa ang mahigit kumulang pitong daang (700) miyembero nito. Ang venue ay nagmistulang paliparan dahil na din sa tema nito na "Christ Bound".
Nagsimula ang program ng ika-8 ng gabi kung saan sinimulan ito sa isa agad worship kasama ng opening prayer. Pagkataos nito ay nagsimula na ang unang talk kung saan lahat ng topic sa event ay tumutukoy kay God bilang sentro sa pakikipagrelasyon. Sa ikalawang araw ng ReCon, nagkaroon ng misa sa Columban Church at nagkaroon din ng workshop ng araw na iyun. Sa workshop hinati ang mga miyembro sa ilang grupo at nagassign na ng kanya kanyang lugar na pupuntahan. Ang layunin nito ay upang magbigay ng konting tulong na relief goods sa mga piling mahihirap na barangay sa nasabing lugar. Gayundin kailangan gumawa ng munting programa upang mapasaya ang mga benificiary ng aktibidad. Sa ikatlo at huling araw ay nagtapos ang programa sa isang misa at talk na tinapos ng isang worship prayer.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento