Gusto mo ba sumali sa community ng Singles For Christ? Kailangan mo muna mag under go sa Christian Life Program at kapag natapos mo ito, matatawag ka ng miyembro ng SFC. Ngunit ano nga ba ang Christian Life Program? "The Christian Life Program (CLP) is an integrated course intended to lead the program participants into a renewed understanding of and response to God's call to them as Christian singles".- scribd
Ang CLP ay isang proseso upang maging mabuti at ganap na Kristiyano ang mga participants. Ang CLP ay tumatakbo ng 12 weeks kung saan isang beses sa isang linggo isinasagawa ang nasabing activity. Dito ay nagiimbita ng ibang miyembro ng SFC upang maging speaker na siyang magdidiscuss sa mga talks.
Ang 12 na talks ay nahahati sa apat na module; Module 1: THE BASIC TRUTHS ABOUT CHRISTIANITY, dito pinapaliwanag kung sino talaga si Christ, pinapalalim pa ang pagkilala sa ating Panginoon. Dito rin nakapaloob ang orientation o pasimula ng mga ginagawa sa CLP at SFC. Module 2: THE AUTHENTIC CHRISTIAN LIFE, dito naman nakapaloob ang mga talks kung saan ipinapaliwanag ang buhay bilang isang Kristiyano at ang buhay sa Kristiyanong pamilya. Module 3: LIVING A SPIRIT-FILLED CHRISTIAN LIFE, sinisimulan ang module na ito sa tinatawag na baptism kung saan binibinyagan ang mga participants upang maging isang ganap na Kristiyano sa pamamagitan ng pray over. Dito na din nakapaloob ang dedication o graduation ng mga participants sa huling talk, pagbigay ng covenant upang hindi makaligtaan ang mga responsibilidad ng isang miyembro ng Singles for Christ.
Paano naisasagawa ang CLP?
Kung nais magbukas ng isang chapter ng CLP sa kanilang lugar, kailangan muna nilang makipag coordinate sa provincial main office ng CFC upang mabigyan ng budget pang simula at mairehistro para maging pormal ang openning ng CLP sa isang chapter. Kailangan din na magkaisa ang mga miyembro ng SFC para makapanghikayat ng mga participants at maiassign sa iba't-ibang tasks. Ang mga miyembro ng SFC ay hahatiin sa magkakaibang group or team, katulad ng Music ministry na nakaassign na tumugtog para sa openning worship at praise. Discussion Team na nakaassign naman sa pag grupo sa mga participant para sa sharing pagkatapos ng talk. Team leader na siyang maglelead sa buong duration ng CLP. Facilitators na nakaassign sa paglilinis ng venue bago at pagkatapos ng activity.
Sino ang pwedeng umattend sa CLP?
Lahat ng interesado, lalaki/babae na may edad na 21-40 years old na willing makinig sa mga talks, willling din na umattend sa itinakdang araw at oras.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento